Jail warden ng Teresa, Rizal sinibak

SINIBAK sa puwesto ang jail warden ng Teresa, Rizal matapos ang naganap na jail break sa naturang bilangguan Lunes ng madaling araw, Pebrero 28, iniulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa ulat sinibak na sa puwesto ni BJMP director Rosendo Dial ang jail warden ng Teresa Rizal na si Supt. Amado Concepcion.

Sinabi sa ulat kasamang sinibak sa puwesto ang dalawang tauhan ng BJMP na si Jail Officers 1 Rey Bonggawan at Lito Panganuran. Santi Celario

Ito ay matapos makatakas sa bilangguan ang limang preso na ikinasawi ng isa.

Pansamantalang papalit sa puwesto ni Concepcion si chief inspector Melchor Antigua na tatayong officer-in-charge ng Teresa District Jail.

Ayon sa ulat nasa kostudiya na ngayon ng regional director ng BJMP ang tatlo at nasa restricted custody.

Nabatid sa ulat na maaaring maharap sa kasong administratibo ang tatlo bunga ng naturang insidente.

Patuloy naman ang ginagawang manhunt operation ng BJMP sa nakatakas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply