James nangalabaw kontra Kings, Sacramento tambak sa Miami

PARANG walang kapaguran si LeBron James matapos tumikada ng 31 puntos, walong rebounds at tatlong assists upang igiya ang Miami sa panalo kontra Sacramento Kings sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association regular season.

Kumayod ng puntos si James at pagkatapos ay bumiyahe ito mula Los Angeles hanggang Miami matapos ang NBA All-Star game kung saan ay natalo ang kanyang East team sa West team, 143-148.

Subalit hindi ito naging dahilan upang mapagod si Heat star forward James.

“Me and D-Wade talked before the game … and said ‘Let’s go out and dominate this game,” ani James na naka triple-double performance sa katatapos na All-Star game.

Umalagwa agad sa umpisa ng laro ang Heat at pagkakuha ng lamang ay hindi na ito nalampasan ng Kings hanggang sa matapos ang kanilang laban.

Umiskor si Dwayne Wade ng 23 pts. walong boards at pitong assists habang 22 puntos, siyam na rebounds at isang assist ang ginawa ni Chris Bosh upang manatiling nasa unahan ng Eastern Conference Southeast division na may 41-15 win-loss karta.

“I don’t think we have the type of guys that would let this be a trap game,” sabi ni Bosh. “We’re focused on our goals.”

Si bench player Samuel Dalembert ang nagbuslo ng maraming puntos para sa Kings na may 18 pts., 13 boards at two assists habang tig 13 ang sinalpak nina Jermaine Taylor at Jason Thompson.

Hindi naman muna pinaglaro ni Kings coach Paul Westphal si Carl Landry dahil sa usapang trade sa New Orleans Hornets.

“We’re involved in some fairly significant discussions so it was pertinent not to play him tonight,” anang Westphal.

Samantala, sa ibang NBA resulta, tinambakan ng Okalahoma City Thunders ang Los Angeles Clippers, 111-88 habang nanaig ang Houston Rocketssa Detroit Pistons, 108-100. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply