James umusok ng 41 puntos, Pacers natusta sa Heat

MULING umarangkada ng 41 puntos, 13 rebounds at walong assists si LeBron James upang ilista ang 38th wins ng Miami Heat matapos pauwiing luhaan ang Indiana Pacers, 117-112 sa nagaganap na 2010-11 National Basketball Association regular season.

Naghabol ang Heat matapos buwenasin sa firt half ang Pacers, (63-66 half time) hanggang sa matapos ang third quarter ay nasa ibabaw pa rin ang Indiana, 90-97.

Subalit sa last quarter ay nagtulung-tulong na ang ‘Big Three’ ng Miami na sina James, Chris Bosh at Dwayne Wade upang habulin ang lamang ng Pacers at itarak ang second best record sa Eastern Conference at manatiling nasa tuktok ng Southeast division na may 38-14 win-loss karta.

Minalas ang Pacers matapos sumablay ng siyam na sunod na tira sa fourth quarter subalit nakalay-up si Danny Granger para tapyasan ang lamang ng Heat sa kanila, 111-110 may 51.9 segundo na lamang ang nalalabi.

Hindi naman nagpabaya ang Heat dahil sinilaban sila ni two time NBA-MVP James ng ibuslo nito 17 feet jumper para sa 113-110 lamang may 14.1 segundo ang natitira.

Nagdagdag pa si James ng dalawang free throws at dalawang puntos din sa line ang kakamping si Eddie House bago nakabuslo ang Pacers.

Nakagawa ng 19 puntos, pitong rebounds at isang assist si Bosh habang 17 ang naibuslo ni Wade kasama ang pitong assists at tatlong boards.

Nag-ambag din si Heat bench player Mario Chalmers ng 16 pts. dalawang assists at isang rebound.

Si center Roy Hibbert ang naguna sa scoring ng Pacers na may 20 puntos, 10 boards at isang assist sinundan ito ni Granger na may 19 points. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply