James Yap niregaluhan ang dating asawa

NAKATANGGAP ang Philippines’ Queen of All Media na si Kris Aquino ng isang bracelet mula sa kanyang dating asawa na si James Yap para sa kaarawan ng aktresnoong Pebrero 14.

Sinabi ni Kris sa kanyang Twitter na “na-touched’ siya sa ginawa ng basketbolista.

“He + bimby bought me a lovely bracelet w/ a heartwarming card. Josh & Bimby loved riding in James’ car. I rode in my own to give them time together,” anang tweet ni Kris

Ang hiling naman ni Kris para sa kanyang kaarawan ay ang maging ligal na ang kalayaan nila ni James.

“I wish James & I the legal freedom to be able to love again & share w/ new lifelong partners the love we failed to sustain between us. ani Kris.”

Inihayag din ng magaling na game host na binigyan niya ng dalawang VIP tickets para sa concert ni Bruno Mars sa April 8 si James dahil kaarawan din nito noong Pebrero 15.

Sinabi rin ni Kris na missed na missed na niya ang kanyang inang si former president Corazon “Cory” Aquino, na namatay noong 2009 dahil sa colon cancer.

“I cried a bit before sleeping, missed my Mom. Pilot of Price Is Right later be4 TV Patrol, wala sya. My 1st game show w/o my Mom to cheer me on,” madadamdaming pahayag ni Kris.

Samantala, umiere na ang bagong game show ng aktres-TV host, ang “The Price Is Right,” ang longest running game show sa mundo.

Si Kris din ang kauna-unahang babae na magho-host ng naturang game show dahil pawang mga lalaki ang naging host ng franchise ng game show na nabanggit. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply