James Younghusband ‘di malala ang tama

SINABI ni Azkals coach Hans Michael Weiss hindi dapat mangamba ang fans sa injury ni James Younghusband na natamo sa kanilang exhibition game kontra Pinikpikan Team ng Baguio United Football Club sa Benguet State University.

Dinurog ng Azkals ang Pinikpikan, 9-1.

Umabot sa 5,000 ang nanood sa laban at sa gitna ng laro ay biglang sumakit ang kanang binti ni James matapos sipain ang bola.

Hindi umano malala ang injury ni Younghusband kaya hindi maaapektuhan ang ensayo ng team para sa nakatakdang laban kontra sa Blue Wolves ng Mongolia sa Marso 15.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply