Japanese actress na wanted sa Japan nasa Pinas

IBINUNYAG ni Atty. Clarence Paul V. Oaminal, dating vice chairman at undersecretary ng Dangerous Drugs Board (DDB) na noong January 21, 2011 ay dumating sa bansa si Minako Komukai, fugitive Japanese actress ngunit sa kabila ng impormasyong ibinigay ng Japanese authorities sa Bureau of Immigration (BI) ay pinalawig pa ang visa nito ng hanggang March 21.

Sinabi ni Oaminal na rason ng BI na walang formal request silang natatanggap para sa deportasyon ng nasabing porn actress kaya hindi sila kumikilos.

Binigyang diin pa ng abogado na taliwas ang ginagawa ng BI sa bansa dahil sa Japan umano ay maraming Pilipino ang hindi pinayagang makapasok dahil lamang sa “derogatory records” na wala pa namang pormal na kaso.

Ipinaliwanag pa ni Oaminal na ang pagpasok sa isang bansa ay hindi karapatan kundi pribilehiyo kung kaya ang isang dayuhan ay maaaring isailalim sa deportasyon kapag may paniwala ang host country na ang dayuhan ay “threat” sa seguridad ng naturang bansa.

Dahil dito, nanawagan ang abogado na bago gastusan ang drug mules na nahatulan sa ibang bansa ay dapat muna aniyang linisin ang Pilipinas sa undesirable aliens na may record ukol sa iligal na droga.

Iminungkahi pa ni Oaminal sa BI na i-alerto ang lahat ng personnel at opisyal ng paliparan sa Maynila, Cebu, Davao at maglagay ng satellites offices sa mga lugar na palagiang pinupuntahan ng mga dayuhan sa Pilipinas na may mga rekord sa kanilang bansa. Meliza Maluntag

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply