JB Cordero back-to-back wins sa first double

WALANG nagawa ang mga katunggali ni Dancing Gisell kundi panoorin na lamang siya habang binabaybay ang unahan sa naganap na Special Class Divisions 14-AB sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Parang sibat na dinamba ni Dancing Gisell ang unahan sa largahan kaya naman kahit si Hold The Bubbly na matulin sa arangkadahan ay hindi nagawang makadikit sa banderahan.

“May kahabaan yung distansya pero tantyado ko na kayang tapusin ni Dancing Gisell ang karera kahit may lumutsa pa sa amin.” saad ni class B rider John B. Cordero, hinete ng winning horse.

Papasok ng home turn ay medyo nagbigay ng magandang laban si Hold The Bubbly ng makapitan nito sa unahan si Dancing Gisell at hanggang sa pagtawid ng meta ay sumabay pa ang una kasama ang rumeremateng si Excellent Lady.

Ganunpaman ay nanaig pa rin si Dancing Gisell na pag-aari ni RG Mendoza ng leeg ang pagitan sa nasegundong si Hold The Bubbly na nirendahan ni reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Jessie B. Guce.

Nakapagtala ng tiyempong 1:37 sa 1, 500 meter race si Dancing Gisell kung saan ay back-to-back win ng kuwadra at hinete nito.

Nanaig si Dancing Gisell sa race 2 habang ang kakuwadrang si Super Wind ay nanaig naman sa race 1 na ginabayan din ni Cordero.

Samantala, sinilat ni Beaux Yeux ang outstanding favorite na si Valentine Rose sa isang Class Division 1 race.

Si Beaux Yeux ay sinakyan ni class C rider Dominador H. Borbe. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply