JC Int’l. Derby larga sa Pebrero 7

PATUTUNAYAN muli ng San Juan Coliseum ang reputasyon nito bilang “Cockfighting Center of the World” sa paglarga bukas, Lunes, Pebrero 7 ng “SJC International 8 – Cock Derby”.

Mas maganda na ang format ng derbing ito: lalarga ang 3- cock eliminations tampok ang mahigit 100 quality fights, habang may 3- cock eliminations din sa Miyerkules.

Lahat ng mga qualifiers ang maghaharap sa 5- cock finals sa Sabado.

Hindi bababa sa P6 milyon ang nakatayang premyo sa paderbing ito ni SJC owner Rodolfo Pineda na magkakaloob din ng magarang tropeo sa kampeon.

Lahat ng mga sasali rito ay awtomatikong magiging co-host ng derby at tatanggap ng 50 percent sa derby income.

Umabot sa 159 entries ang naiposte nitong nakaraang taon (January edition) kung saan solong kampeon ang BM Bulalayaw ni Boy Marzo na nagrehistro ng perpektong 8-0 (panalo-talo).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply