Jean Garcia biktima ng ‘Basag Salamin Gang’

HINDI sukat akalain ng aktres na si Jean Garcia, 41, na mabibiktima siya ng “Basag Salamin Gang” na lumimas sa kanyang cell phone, mga damit at pera habang nasa shooting ng pelikula sa Marikina City, Martes, Pebrero 15.

Ayon sa imbestigasyon, natuklasan na basag ang salamin ng Ford Expediton (XNM-880) ni Garcia dakong 2:24 ng hapon habang nakaparada sa Malvar st. Brgy. Dela Pena sa nabanggit na siyudad.

Binasag diumano ng mga di nakilalang salarin ang salamin ng nasabing sasakyan ng aktres.

Kabilang sa mga natangay sa sasakyan ng aktres ang isang bag na Blueberry na naglalaman ng P120.000, isang kulay itim na wallet na may P1,000, isang cell phone na nagkakahalaga ng P18,000, isang Cherry mobile, iba pang pera na P14,000 at assorted na damit ng aktres.

Napag-alaman na abala ang biktima sa shooting ng pelikula na kung saan andun din ang driver nito kaya walang nakapansin na binasag na ang salamin ng sasakyan at nilimas ang mga gamit sa loob.

Nang puntahan ng driver ang sasakyan ay basag na ang salamin nito  at wala na ang mga gamit.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng awtoridad para matunton ang mga salarin. Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply