Jobs fair sa POEA

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, nagsagawa ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng jobs fair para sa nasa 25,000 local at international na trabaho.

Karamihan sa mga hinahanap na trabaho ay professional, highly skilled at skilled workers para sa mga bansa sa Middle East at Asya.

Sinabi ni POEA Administrator Atty. Carlos Cao na hanggang noong Disyembre 2010, nasa P9.8 milyon na ang Overseas Filipino Workers (OFW) sa buong mundo kung saan 30% ang nasa Middle East.

Nilinaw naman ni Cao na walang ipinatutupad na freeze hiring o ban na ipinatutupad ang bansang Taiwan maliban sa paghihigpit. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply