Joey ‘di ramdam ang pagkawala ng Sexbomb sa EB

KAPAG si Joey de Leon ang kausap mo, wala ka talagang maitatapon sa lahat ng kanyang sasabihin.

Tulad na lang ng kanyang mga komento sa katapat ng Eat Bulaga (EB), na parang nagulat pa siya nang itanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa bagong show sa kabilang istasyon. “Meron ba?,” ang mabilis na reaksiyon niya. Wala na raw ang Sexbomb sa Eat Bulaga? “Hindi ko naramdaman,” dagdag pa niya.

Dahil nagtawanan ang mga tao sa harap niya sa set ng Pinoy Samurai na simula sa Linggo, Pebrero 27, sa TV-5,  mabilis siyang nagsabi na marami na kasi silang nakatapat at patuloy pa rin ang Eat Bulaga over the years na umabot na ng 32 taon.

Sa totoo nga naman, sa loob ng mahigit na tatlong dekada, iba’t ibang programa na itinapat sa kanila pero di pa rin sila natitinag, instead patuloy sa pagtaas.

Dahil sa alitan nina Willie at John na biglang lumipat sa Dos at host ngayon ng programang katapat ng EB, nagbigay ng pahayag ng suporta si Willie sa grupo nina Joey na ipinagpapasalamat naman ng huli. “Di naman kami magkaaway kasi mag-Kapatid na kami ngayon,” pahayag ni Joey.

Hindi niya isinasara ang chance na pwede silang magkasama ni Willie sa isang show pero masyadong puno ang kanyang sked at iyon ang problema. “Malay natin,” dagdag niya.

Sa mga nagsasabi na ang kanilang programa ay number one, mabilis na sinabi ni Joey: “We never claim to be number one, longest running lang,” na sinundan na naman ng halakhak ng mga kaharap niya. “Ayaw naming magsabi ng number one kami, so we will always be on our toes, para lagi kaming nagtatrabaho,” mabilis niyang paliwanag.

Sa pagkawala ng Sexbomb sa EB, ipinaliwanag ni Joey na nagpaalam daw si Joy Cancio kay Malou Choa Fagar para rumaket, kaya pinayagan daw naman. Ang hindi daw nila alam, sa kabila pala raraket. Yun ang tunay na kuwento. Pero sabi nga ni Joey, hindi raw niya naramdaman na wala na SB sa Bulaga. Kayo na ang mag-react sa linya niyang ito.

Kung ang palayaw daw ng Eat Bulaga ay EB, ayon kay Joey, ang mabilis niyang binyag sa Happy, yippee, something, ay HAYY! Parang sinabi na niyang walang patutunguhan.

Sundan si Joey bilang Emperor Yoje sa Pinoy Samurai kasama sina Mr. Fu as Mr. Gaysha, Rufa Mi as Kimonay, Wilma Doesn’t as Itimura, simula 12:00 ng tanghali. Kasunod dito ang Lucky Numbers at 1 p.m. at Fantastik at 2 p.m. kung saan lahat ng teen stars ng TV5 ay magkakasama. Evelyn M. C. Diao

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply