John Lloyd tameme sa isyu nina Ruffa at Shaina

MAY-I-wait talaga ang ilang press sa statement ni John Lloyd Cruz regarding sa latest brouhaha sa triangle kuno nila nina Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao.  At ito ang kanyang naging pahayag.

“Nagkausap na ang parties involved sa issue, sina Ruffa at Shaina through Star Magic. And they have agreed na hindi na magsasalita tungkol sa isyu para hindi na ito humaba pa. I think mismong si Ruffa ay nagsalita na sa kanyang show last Sunday regarding this and that’s that. On my part, I will be helping by not commenting also about the issue,”bitin na sagot ni Lloydie.

Hindi ba siya naaapektuhan na dahil sa isyung ito ay nagkakaroon ng impression ang mga tao na isa siyang playboy?

“There’s always two sides of the story. ‘Yung mga lumalabas at naisusulat and the real story behind it. Ako kasi tanggap ko nang biglang isang artista, we are public figues. So we are open to comments by other people. We cannot do anything about their comments and their speculations dahil karapatan nila ‘yun.

“What I’m worried lang ay ‘yung friends and families namin na walang source of information kungdi ‘yung mga nababasa lang nila sa diyaryo at napapanood sa TV. They cannot always reach us for the real story. Anyway, tinatapos na namin ang isyung ito and we are hoping na wala na talagang lalabas after this. At hindi ako playboy!”pahayag ni John Lloyd.

Inassure ni JL sa press na he’s very happy with his relationship with present girlfriend Shaina. And he’s hoping na magtagal talaga sila.

“Kung may immortal love man ako that would be Shaina. Kasi I’m hoping na kapag sumakabilang buhay na kami pareho ay magkikita pa rin kami sa langit para magkasama ulit,”paniniyak ni JL. (Hohum—Ed)

Come Valentine’s Day ay may work daw siya kasi it falls on a Monday na taping day ng Imortal. But he will make it a point na makapag-celebrate sila ni Shaina ng Valentine’s before or after Feb. 14.

Samantala nasa Book 2 na ang Imortal at lalong mas titindi ang mga kaganapan sa kanilang dalawa ni Angel Locsin sa istorya. Lloydie gave us a hint na malamang siya ang kagatin sa Book 2 instead of the other way around. Kaya abangan na lang ang magiging transformation niya.

Pakakaabangan din kung magbubunga ang pagmamahalan ng isang lobo at bampira. At kung ano ang kakalabasan nito. Mistula silang sina Bella at Edward sa Breaking Dawn kung saan lalabas na ang supling ng dalawa.

***

Tuwang-tuwa si Dingdong Dantes sa bago niyang teleserye na I Heart You Pare with Regine Velasquez, kasi pagkatapos ng dalawang heavy drama na teleseryeng ginawa niya ay isang light romance comedy naman ang tema ng teleserye nila ni Regine.

And this time malaking transformation din ang ginawa sa kanyang looks para sa bago niyang character. Balbas sarado siya at medyo rough at bad boy ang kilos niya dito na malayo sa usual na clean-cut image na pino-potray niya dati.

Pinansin din ng press ang bagong screen name na ginamit ni Regine na Regine Velasquez-Alcasid. Kailan naman daw magkakaroon ng screen name na Marian Rivera-Dantes si Marian?

“It would really be nice kung dadalhin na rin ni Marian ang surname ko someday pero sa ngayon ay wala pa talaga. Hindi pa naman pinag-uusapan ang tungkol sa kasal. Bago siguro ‘yun dapat ay magkaroon muna ng wedding proposal at yun na lang ang abangan niyo,”pahayag ni Dingdong.

Ano naman klaseng proposal ang gagawin niya kung saka-sakali?

“Naku diskarte ko na lang ‘yan. Hindi ko na sasabihin pa. Basta it would be something personal at unique. Hindi tayo gagaya sa iba diyan. Maski naman ako, I would like to surprise myself,”tugon ni Dingdong. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login