John, Randy, dedma sa patutsada ni Willie on air

AYAN at nag-react na sina Randy Santiago at John Estrada tungkol sa sinabi ni Willie Revillame on air na may hinanakit ito sa kanila.

Sabi ni John: “Kahit naman sa magkakapatid ay nagkakaroon din ng tampuhan. I would just like to say na wala kaming ginawang masama. Tinanggap namin ang trabaho at gusto lang naming makapagpasaya ng tao.”

Sinabi naman ni Randy, 28 years na silang magkakaibigan ni Willie, aniya: “Isang kuwarto ang tinutulugan namin. After nakita namin ang tampo ni Willie, hurt siyempre kami. Tinext namin siya at wish naming magkasama-sama nga kami sa darating na panahon. Pero right now, trabaho nga lang ito at nagkataong nauna ang ABS CBN. Alam naman ni Willie kung gaano namin siya kamahal.”

So malinaw na walang sama ng loob sina Randy at John kay Willie despite what happened.

So klaro rin sina John at Randy with Toni Gonzaga at Mariel Rodriquez ang magiging host ng noontime show sa Dos na siyang itatapat muli sa Eat Bulaga ng GMA 7.

LOVI POE, WA EPEK ANG AWAY NILA NG CONGRESSMAN BF

Now it can be told na kaya hindi nakakasama si Lovi Poe sa promo ng My Valentine ay dahil na-ospital ito sanhi ng respiratory problem, taliwas sa naglabasan na apektado sa “away” nila ng rumored boyfriend na si Congressman Ronald Singson.

Ayon kay Lovi, hinayang na hinayang nga raw siya sa di pagkakasama sa promo ng pang-Valentine movie nila ni Chard. Siya pa raw ang di darating kung wala din lang dinaramdam.

Hopefully, ngayon madi-discharge si Lovi sa ospital in time for the premiere night ng movie.

Sa phone patch ni Lovi sa Showbiz Central last Sunday, fatigue ang dahilan ng kanyang pagkakasakit dahil kasabayan nga ng shooting niya for My Valentine Girls ay ang last taping days ng kanyang dramarama sa hapon.

Excited pa naman si Lovi sa movie with Chard dahil bata pa siya ay paborito na niya ang actor at may instance pa nga raw noong nag-aaral pa siya ay pinapanood niya ang movie ni Chard kasama ang mga schoolmates na naka-uniform pa kapag pumapasok sila ng sinehan.

Kaya nanghihinayang siya at hindi siya nakasama sa pagpo-promote ng kanilang movie na matagal niyang pinangarap makatambal ang King of Box office na si Richard Gutierrez.

MARAMI ANG NAGDIWANG SA VIC-PIA HIWALAYAN

Tulad nang amin inaasahan ay hindi nga magtatagal ang relasyon Pia Guanio at Vic Sotto.

Alam kaya ni Pia nang maging girl siya ni Vic ay marami ang nainis sa kanyang inaarte at feeling siya na ang pakakasalan ni Bossing?

Ayan at nangyari na nga ang sinasabi sa amin ng isang kilalang manghuhula na hindi rin magtatagal ay maghihiwalay sina Pia at Vic.

Kaya naman nagdiwang ang mga taong hindi nagugustuhan ang porma ni Pia na siya na ang babaeng ihaharap sa altar ni Vic.

Tsika pa ng manghuhula nang maging girl ni Vic ay naging maarte na raw ito na hindi maganda senyales na sila ay magkakatuluyan.

Kailangan raw ni Pia ang ma-in-love muli para malunasan ang nagdurugo nitong puso.

Say pa nang manghuhula na matagal pa raw bago magpakasal muli si Vic. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply