Jolo Revilla, pinopormahan si Kris Bernal

TILA seryoso nga si Jolo Revilla na ligawan si Kris Bernal. Lagi kasing dinadalaw ni Jolo si Kris sa taping ng Koreana at madalas raw itong mag-text sa ex-girlfriend ni Aljur Abrenica.

Pero para ay Kris ay hindi raw siya pinopormahan ni Jolo dahil di naman raw ito nagpaparamdam. “Hindi pa kasi siya nagpaparamdam kaya hindi ko masabi na talagang nanliligaw siya,” sabi ni Kris.

Hindi naman tutol si Senator Bong Revilla kung totoo nga nanliligaw ang anak na si Jolo kay Kris.

“Kung ano ang ikaliligaya ni Jolo, okey lang sa akin,” say ni Bong.

ANNE CURTIS, NALOKA SA LAPLAPAN ISSUE NG KAPATID KAY LUIS

Hindi lang pala si Luis Manzano ang nainis sa isyung nahuli siyang nakikipaglaplapan kay Jasmine Curtiz, sixteen years old na sister ni Anne Curtiz.

Maging si Anne mismo pala ay nairita at naloka rin pala sa issue ng kapatid at Luis. Ang comment tuloy niya nang makausap namin sa presscon ng Who`s That Girl last Friday: “It`s so disgusting and revolving.”

Sabi pa ni Anne, napaka-malicious-minded raw ng nagkalat at sinabi raw niya sa kapatid na si Jasmine na welcome sa showbusiness.

“Sabi ko, it`s expected and this is only the beginning. And I told her, hindi pa yan ang mga mararanasan mong attack. But I have so much faith in her, kasi she`s only 16 and when you`re that innocent wala kang makukuhang bad, wala talaga.

“So I don’t have any worries. Nakakainis lang na parang maiintindihan ko pa kung kami ang natsismis, pero yung bagets, nakakaloka,” seryosong pahayag ni Anne.

Anyway, super saya naman ang younger sister ni Anne dahil todo suporta ang TV 5 sa career nito.

Mantakin mo para hindi makaapekto sa pag-aaral ni Jasmine sa Australia, her home place para sa taping niya sa Utol Kong Hoodlum with JC de Vera ay nagdesisyon ang Kapatid network sa Brisbane, Australia na kunan ang karamihan sa eksena ng series.

Di ba bongga?

LOVI POE DEDMA SA PANINISI SA KANYA NG CONGRESSMAN-BF

Dinumog ng press si Lovi Poe ng mga showbiz writers para hingan ng reaction na siya raw ang dahilan kung kaya gumagamit ng droga si Congressman Ronald Singson dahil sa pag-aaway nila.

Pakiusap ni Lovi sa press, huwag nang siyang tanungin about Congressman Ronald dahil very sensitive raw situation ngayon.

Nakiusap rin siya na iba na ang tanungin sa kanya. Kaya kahit anong pilit ng press na magsalita si Lovi sa naturang isyu ay wala rin talagang napiga sa actress.

Samantalang inire-respeto ng mga kasama ni Lovi sa Show Me Da Manny ang predicament nito. Wala ni isa man kina Manny Pacquiao, Marian Rivera, Paolo Contis, Rochelle Pangilinan, atbp ang nagkalakas ng loob na tanungin siya about the real score nila ngayon ni Congressman Ronald.

Happy si Lovi nandiyan ang mga kasama sa sitcom na handang sumuporta sa kanyang dinadanas na kalungkutan.

Kaya naman she makes sure na laging present sa taping. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply