Joshua Dionisio, Barbie Forteza nega na rin?

PINANGALANAN na rin ang mga taong sangkot sa blind item na dalawang bagets na bida sa isang teen show ang nagpatanggal sa isang kasamahang bagets sa nasabing show. Lumalabas na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at ang ipinapatanggal na si Kristoffer Martin.

Sa “Juicy”noong February 9 ay nagkomento si DJ Mo na wala sa personalidad ng mga bagets na sisikat lalo na ngayong binabalutan sila ng negative publicity.

Ayon naman kay IC Mendoza, kung nasa Divisoria ka, never na mapapansin ang kargada ng mga bagets dahil sa kanilang ordinary-looks.

At ayon naman kay Cristy Fermin, padaanin ang mga bagets sa isang crowd, tiyak na hindi sila mapapansin dahil wala naman silang kakaibang atraksyon sa tao.

Kung totoong pinatatanggal ng dalawa si Kristoffer, dapat lang silang ma-insecure dahil kitang-kita naman sa hitsura ng bagets na mas may star potential siya.  Kung patulog-tulog ang dalawang ito, tiyak sa paggising nila ay nalampasan na sila ni Kristoffer na talaga namang destined to be a big star.

****

Imelda Papin hindi pa aatras sa pagkanta


NEVER
say ‘surrender’ ang drama ni Imelda Papin kung tinatanong siya tungkol sa pagre-retire sa pagkanta.

Sa album launching ng kanyang nakakabatang kapatid na si Aileen Grace na ginanap sa SM Center Point sa Sta. Mesa ay hindi sa kanya nakasentro ang spotlight at ang nakakadismaya, nandun siya para suportahan ang kapatid at makipag-duweto.

May isang cut sa self-titled album ni Aileen Grace na duweto sila sa awiting “Awit Ko’y Dinggin Mo” kaya ito lang ang naging partisipasyon ng music icon sa nasabing event.

Inamin ni Manay Imelda na hanggang ngayon ay ‘ginagayuma’ pa rin siya ng kanyang passion sa pagkanta at katunayan sa kanyang pinakabagong album entitled  “Bakit”, ang awiting ‘Nakakagayuma’ ang napili nitong carrier single.

Ayon sa kanya, tuloy-tuloy ang kanyang pagkanta dahil kailangan niya ito sa kanyang charity works. Tulad ng kanyang gagawing shows sa Palawan sa Feb 13, Bulacan sa March 19 at General Santos City kasama si Mommy Dionisia Pacquiao sa March 12.

Si Manay Imelda ang itinuturing ngayong most charitable showbiz personality kaya naman in full support siya sa mga talents ng 618 International Records para magkaroon ang mga ito ng pagkakataong mai-share din ang kanilang kakayahan sa pag-awit.

Speaking of Aileen, nagsisimula na siyang intrigahin at kitang-kita ang pamumula nito nang harapang sinabi sa kanya na mas magaling siyang kumanta kaysa sa kanyang Ate Imelda.

“Hindi po, hindi po totoo ‘yan!” agad nitong panangga. “Idol ko po siya, nakakahiya naman.  Mas magaling siya sa akin, idol siya ng masa.  Idol ko siya at kapatid ko ‘yan, siya pa rin ang the best.”

Sa aming ginawang phone patch interview sa kanya sa aming radio program, ang “Showbiz Na Showbiz” over DZME 1530 Khz (www.dzme1530.com) ay naibida nito na maliban sa kanyang carrier single na “Ikaw Ang Musika” ay gustong-gusto nito ang awiting “Itay Salamat”.

Tribute niya ang nasabing awitin sa kanyang kapapanaw lang na mahal na ama.  Aniya, “Talagang ibang-iba ang atake ko sa kanta, umiiyak ako habang nire-record ko.  Imagine, three days after na nailibing ang aking ama, ni-record ko ‘yan kaya naman, nagtatayuan talaga ang aking mga balahibo.  I love my papa, I miss him.”Alex Datu

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply