Juan ginawang timawa ng budol-budol gang sa EDSA 1

INILARAWAN ng boodle fight sa EDSA 1 kahapon ang pagtrato ng mga onorabol kay Juan.

Yang boodle fight ay istilo sa pagkain ng mga sundalo na sama-sama silang kumakain nang walang gamit na kutsara at tinidor.

oOo

Sa isinagawang boodle fight sa EDSA, initsapuwera si Juan at binakuran siya ng mga tangke  at military at police trucks para hindi sila makalapit sa hapag-kainan.

Ginawa lamang siya na tagapanood at walang nagawa kundi maglaway na lamang sa mga prayd tsiken, barbecue, mababango na kanin at iba pang masasarap na pagkain na inihain sa lamesa para umano sa pagkakaisa at kalayaan.

Habang nilalantakan ng mga onorabol, kasama ang mga tsokaran nilang mga parak at sundalo, ang mga masasarap na pagkain, walang madama si Juan kundi ang pagkalam ng kanyang sikmura.

Habang nagpipiyesta ang mga onorabol na nagmukhang budol-budol gang na nambibiktima kay Juan, tumalikod na lang ang huli at bumili ng sarili niyang pagkain.

At oo, yung dating tatlong pirasong kikiam na P10 ay dalawa na lang. Piso bawat tadtad at naging larawan ng  pagsasamantala.

P25 naman ang kakapurit na pagkain na ibinenta ng mga suplayer ng pagkain na nakiisa at nakipagdiwang umano sa diwa ng EDSA 1.

O wat a sin.

oOo

At oo, habang nagpipiyesta ang mga budol-budol gang sa EDSA, nakalimutan nilang libo-libong overseas Filipino worker sa Libya ang dumaranas ng gutom, uhaw at karahasan dahil naman sa pipol pawer doon.

Walang matataas na opisyal ng pamahalaan ang umaalalay sa kanila sa kanilang pagtakas sana sa sibil war kundi ang iilang bataan nila.

Buo ang badyet at panahon nila para sa piyesta pero nasaan ang para sa mga OFW?.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply