Judge pinaaalis ang ‘baby’ sa pangalan ni James

INAMIN kahapon ng actress-TV host Kris Aquino na  ibinilin sa kanila ng judge na humahawak sa kanilang kaso sa Makati regional trial court na huwag nang idugtong sa pangalan ng kanilang anak na si Bimby ang tawag na “Baby.”

Hindi naman ipinaliwanag ni Kris ang dahilan ng judge sa pagbabawal nitong tawaging Baby si Bimby.

Masaya ang aura ni Kris sa kanyang pagdalo sa hearing ng annulment ng kasal nila ng basketbolistang dating dyowa na si James Yap at magkatabi pa ang dalawa na nagkukuwentuhan na parang walang masamang nangyari sa kanilang relasyon.

Sinabi nito na hindi na sila magkagalit ni James at magkaibigan na sila ngayon. Nakakatawa na umano silang dalawa ngayon dahil wala nang galit sa kanilang puso.

Tanging hangad ng aktres ay maging legal ang kanyang kalayaan.

Tahimik naman ang aktres na idetalye pa ang estado ng kanilang annulment dahil kapwa bawal silang magsalita ni James dito. Gary Sta. Ana

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply