Julaton, Abaniel paparangalan

KABILANG sina Ana “The Hurricane” Julaton at Gretchen Abaniel sa paparangalan sa honor roll na dinomina ng mahigit sa 50 male world at international boxing champions sa 11th Gabriel “Flash” Elorde Memorial Annual Boxing Awards at Banquet of Champions sa March 25 sa Sofitel Hotel.

Ang 30-anyos na Julaton, na naka-base sa San Francisco, California, ay nakuha ang vacant World Boxing Organization 122-pound crown sa pamamagitan ng split 10-round decision laban kay Mexican Maria Elena Villalobos sa Ontario, Canada noong Hunyo ng nakaraang taon.

Matatandaan na noong September 2009, dalawang taon bago siya naging professional sa ilalim ni trainer Freddie Roach, nakuha niya ang bakanteng International Boxing Association super bantamweight title sa laban niya kay Kessley”The Road Warrior” Jeffries.

Si Abaniel  naman ay nakakuha ng Women’s International Boxing Association minimum weight title sa isang lopsided 10-round decision laban kay Thai fighter Nongbua Lookprai Aree. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply