Julaton dudurugin si Alcanter

SASABOG na ang sapakan nina WBO super bantamweight female champion Ana Julaton (7-2-1) at Franchesca Alcanter (18-9-1) sa Kansas City, Missouri.

Idedepensa ni Julaton ang kanyang korona sa bugbugan na gaganapin sa Craneway Pavilion, Point Richmond, California.

Malaki umano ang pag-asa ni Julaton dahil magaling na trainer ang taglay nito habang ang kanyang sparmate naman ay si Rodel Mayol na kasintangkad ni Alcanter.

Umaasa naman ang maraming Pinoy na sa pagdepensa ni Julaton ng kanyang world title ay lalong mapapaangat ng Filipina female boxer ang bansa gaya ng ginawa nina Pinoy icons Nonito Donaire at Manny Pacquiao.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply