Junior middleweight title ni Manny Pacquiao bakante na

BAKANTE na ang junior middleweight title ni eight-division world champion Manny Pacquiao, ayon sa World Boxing Council (WBC).

Matapos ang isinagawang botohan ng WBC board of governors ay napagdesisyunan na ibakante na ang naturang titulo.

Unanimous ang desisyon dahil na rin sa pagkabigo ni Pacquiao na depensahan ang nasabing 154-pound title na nasungkit niya sa laban kontra kay Antonio Margarito.

Una nang nabalitang walang balak ang Pambansang Kamao na idepensa ang nasabing titulo dahil na rin sa dehado siya sa laki at bigat na maaari niyang makalaban dito.

Ang nasabing dahilan ang kanilang ipinaabot kay Jose Sulaiman, presidente ng WBC.

Ayon na rin sa WBC ay hindi ipinapahintulot na humawak ng titulo sa magkaibang division ng sabay-sabay ang mga boxer.

Pinapipili ng WBC si Pacquiao kung aling titulo ang kanyang patuloy na hahawakan at idedepensa.

Samantala, tuloy na tuloy na ang Pacquiao-Mosley fight sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Idedepensa ni Pacquiao ang kanyang welterweight title kay five-time world champion Sugar Shane Mosley sa naturang petsa. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply