Junjun Binay date ni Kris sa bday ni PNoy

MULING nabubuhay ang pagkaka-link ng TV host/actress na si Kris Aquino kay Makati Mayor Junjun Binay, matapos kumalat ang balitang magkasabay na dumating sina Kris at Junjun sa Thanksgiving Mass para sa ika-51 kaarawan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Malacañang last February 8.

Maliban dito, magkasabay din umanong umalis ang dalawa.

Kung maaalala, pinutol na ng presidential sister ang komunikasyon nila ng alkalde dahil kahit friends lang ay nami-misinterpret daw sila ng mga tao.

Well, ngayong si Kris mismo ang nagpapalutang sa kanilang tunay na relasyon ni Mayor Junjun, siguro naman ay hindi na ito tsismis no.

Kaya let us all wait na lang kung kelan aaminin ng presidential sister ang kanyang relasyon sa kanyang new found friend. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply