Ka-date ni PNoy inilihim

TIKOM ang bibig ni Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa kung sino ang kanyang ka-Valentina.

Sa isang panayam kay PNoy matapos ang inagurasyon ng East Avenue Medical Center’s Upgraded Facilities sa East Avenue Quezon City ay sinabi nito na ibalato na lang sa kanya ang kanyang pribadong buhay lalo na kung sino ang kanyang ka-date sa araw ng mga puso.

“Yes, I have plans and i’ll keep them to myself,” anito dahil na rin sa sobrang dami ng kanyang private meetings sa Malakanyang.

Bagama’t abala ang Punong Ehekutibo sa kanyang mga official activities ay inamin niyang masaya naman ang kanyang lovelife.

At nang tanungin kung ang broker na si Len lopez ang babaeng kanyang ka-Valentina ay muling iginiit ni Pangulong Aquino na “As I said, I will keep plans to myself.”

Sa kabilang dako, patuloy namang ipagdarasal ng Chief Executive ang kanyang kapatid na si Kris Aquino-Yap na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon.

“Napakasaya niya, sabi ko pinagdadasal ko na tuloy tuloy na sana yung kagaanan ng kalooban, absence of problems, at pagiging masaya,” ang nakangiting pahayag ng Punong Ehekutibo. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply