Kaanak ng bibitaying OFWs nagkaroon ng pag-asa

BAHAGYANG nabuhayan ng loob ang mga kaanak ni Sally Ordinario-Villanueva makaraang maibalitang tuloy na ang pagpunta ni Vice President Jejomar Binay sa China.

Ayon sa panayam kay Hilarion Villanueva, asawa ni Sally, kahit paano ay nakakita sila ng kaunting pag-asa na hindi matutuloy ang bitay dahil may mamamagitan na para sa kanila sa China.

Hindi na rin umano matutuloy ang pagpunta ng mga kaanak sa naturang bansa dahil nakikita nilang mas makadaragdag lamang ito sa problema ni Sally.

Hindi kasi kakayanin ng kanilang mga supling na makita ang kanilang ina sa ganitong kalagayan.

Aminado rin ang mga kaanak ng ibang mga OFW na nasentensiyahan ng bitay na mahirap ang misyon ni Binay , ngunit mas maganda na rin umano na may ginagawang paraan ang pamahalaan upang maligtas sila sa kamatayan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply