Kaarawan ni PNoy ordinary working day

INIHAYAG ng Malakanyang na magtatrabaho ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mismong kanyang kaarawan sa Pebrero 8.

Sa Martes, 51-anyos na ang Pangulo at nananatili pa ring binata.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Biyernes ng hapon na working day ang birthday ng Pangulo dahil mayroon itong mga nakatakdang schedule.

Ang pagdiriwang umano sa birthday ni PNoy ay maaring gawin na lamang sa weekend.

Wala namang masabi si Lacierda kung ano ang plano ng Pangulo sa Valentine’s Day bagama’t noong nakaraang Biyernes, inamin ng Pangulo na meron siyang ka-date.

Hindi muna pinangalanan ng Pangulo kung sino ang kanyang Valentine’s date bagamat matunog ngayon ang pangalang Len Lopez na umano’y bagong nililigawan ng Pangulo. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply