Kabataan hinimok ni Marcos na makiisa sa pagbabago

HINIKAYAT ni Senador “Bongbong” Marcos ang mga kabataan na kumilos at makilahok sa pagbabago ng lipunan tungo sa kaunlaran.

Ito ang naging tema ni Marcos sa pag-iikot sa lalawigan ng Ilocos nitong Sabado at Linggo, Pebrero  5 at 6 kung saan libu-libong kabataan ang dumalo sa kapistahan sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Hiniling ng senador na dapat ipagpatuloy ng mga kabataan ang pagiging aktibo tulad ng paglahok sa anumang aktibidad na makatutulong at maipapakita ang kanilang kakayahan hindi lamang sa larangan ng palakasan kundi maging sa pagbabago ng lipunan.

Dalawang mahalagang okasyon sa Hilagang Luzon ang dinaluhan ni Marcos kabilang ang Pamulinawen Festival sa Laoag City noong Sabado bilang pagbibigay  karangalan sa patrong si St. William, the Hermit, nagsimula noong Pebrero 2 at magtatapos sa Pebrero 11 na kakikitaan ng bonggang parada ng mga bulaklak at pagsayaw ng mga deboto sa gitna ng lansangan.

Kanina naman ang ang Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) Meet sa Benguet Sports Complex, sa Wanghai, La Trinidad, Benguet kung saan  kanyang pinanguhanan ang pagbubukas ng kompetisyon na may temang:  “Sparkling Passion, for Sports; Building Champions”sa La Trinidad , Benguet

Tiniyak ni Marcos sa harap ng mga kababayan na kanyang pahahalagahan ang natatanging kontribusyon ng Ilocanos sa katatagan ng bansa at hihimukin niya ang hanay ng mga kabataan na ipagpatuloy ang pagiging aktibo at paglahok sa pribado at publikong aktibidad upang maging kampeon sila, hindi lang sa sariling mithiin, bagkus ay maging kampeon sa pagbabago ng lipunan. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply