Kagawad, buntis na misis iniligpit

KORONADAL CITY – Hindi na naisalba sa pagamutan ang isang B’laan tribal chieftain na isa ring barangay kagawad gayundin ang misis nitong buntis matapos silang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin sa kanilang tahanan.

Kinilala ang mga biktima na sina Barangay Kagawad Tonyo Binuhay ng Barangay Tablu, Tampakan, South Cotabato at misis na si Rosanna, na siyam na buwan nang nagdadalantao.

Ayon sa kapatid ni Binuhay na si Carmen, pasado alas-8:00 ng gabi noong Martes, Pebrero 22, nang pasukin ng dalawang armadong lalaki ang bahay ng mag-asawa sa Barangay Sta. Cruz ng nasabing bayan at agad pinaulanan ng bala ang mga ito gamit ang armalite rifle. Isa sa pinag-aaralang anggulo ngayon ng mga awtoridad sa krimen ang mga nakaaway ng nasawing tribal chieftain sa usapin sa lupa. Alex Datu Cruz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply