Kagawad itinumba ng utol

ISANG barangay kagawad ang binaril at napatay ng kanyang nakababatang kapatid sa ulat ng pulisya sa Iloilo, Linggo, Pebrero 13.

Sa report na natanggap ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, naganap ang storyang Abel at Cain sa makabagong panahon dakong 10 ng umaga sa Barangay Barangcalan, Calag-an island, Carles Iloilo,

Kinilala ang pinaslang na kapatid na si Barangay Kagawad Cesar Lacson Tajanlangit, 59.

Nakatakda namang sampahan ng kasong parricide ang utol ng biktima na si Romeo Lacson, alyas Borjok, 57.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Iloilo PNP, lumalabas na matandang alitan ang motibo ng salarin para barilin ang kapatid. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply