Kahit asong askal, may tax na sa Camarines Norte

MATINDI ang pamamalakad  ng barangay sa Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte e, kulang na lang na singilin ng pamunuan ng barangay rito ang mga alikabok na galing sa ihip ng hangin.

Ultimo raw ang mga may alagang “aso” kahit na askal ay sinisingil ng barangay ng halagang P30 per day.

Naku po…patay kang bata ka. Ang sabi ng mga kurakot na barangay sa Nuknukan, este,  Luklukan ay tax daw yun sa bawat aso.

E, paano kung may dalawa kang aso sa barangay na ‘yan e, di “yadba ka” ng  P1800 sa isang buwan. (Daig mo pa ang may pasusuhing sanggol, hehehe).

Basahin natin ang reklamo ng mga taga-Brgy. Luklukan Sur.

Gud eve po, Mr. Magalona. Matindi  ang pamamalakad  ng barangay dito sa Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte. Sinisingil ng P30   per day ang mga may alagang aso kahit na askal at nakatali naman. Tax daw ‘yun sa bawat aso. Kaya kung may alaga kang dalawang askal, magbabayad  ka ng P1800 sa loob ng isang buwan. Ang sabi nila ay barangay ordinance daw yun. Tama po ba yun? Pakisilip naman po ito kasi kawawa naman ang mga may alagang “aso” rito. Sila na lang ang ipinanghahanapbuhay!!!

Pwedeng magsex sa mga VIP room

Tuloy pa rin ang gimikan sa loob ng mga vip room  ng Queen Castle Disco sa Quezon Ave., Quezon City.

Halos “ihi” lang ang pahinga ng mga babaeng gumigimik (sex) sa mga VIP room sa club na ‘yan.

Sa halagang P1500 o P2500 ay makaka-sex mo na ang mapipili mong seksing dancer.

Malakas kay QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista ang Queen Castle Disco kaya kahit front ng prostitution ay hindi pinapadlak ni meyor!!!

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com
-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply