Kahit isinusuka ng PSC, POC, Tolentino kapit-tuko sa Philcycling!

BAGAMA’T isinusuka na umano ni Philippine Olympic Committee (POC) chairman Jose “Peping” Cojuangco Jr., nananatiling kapit-tuko pa rin sa kanyang puwesto si PhilCycling president Abraham “Bambol” Tolentino.

Ayaw na umano ni Cojuangco na manatili si Tolentino sa nasabing national sport association (NSA) kaya aampunin na ang mga siklista na kaanib ng grupo.

Subalit sa kabila nito ay nagmatigas pa rin si Tolentino at katunayan ay ikinasa nito ang annual cycling road race sa Tagaytay City kung saan nanalo si veteran Cris Joven.

“Eh, niloloko niya ang mga atleta. Nakikipag-away siya sa mga tauhan niya noon. Ngayon, ay doble ang trabaho niya, paano niya ngayon magagampanan ang pagiging meyor niya?” tanong naman ng isang kritiko.

“Dapat ipaubaya na niya sa iba ang pagiging Philcycling head para ‘di siya mapagdudahan na may hinahabol siya sa nasabing NSA.”

Ayon sa mga kritiko, kung may ‘delicadeza’ umano si Tolentino ay dapat lisanin na nito ang Philcycling at tutukan na lang ang kanyang pagiging alkalde ng siyudad.

“Nagtataka kami kung bakit nandiyan pa siya, ayaw na raw sa kanya ng POC head eh,” wika ng isang kritiko sa panayam ng Remate Sports.

“Makapal na lang ang mukha ng gagawa ng ganyan. Kasi gusto niya sa kanya lahat. Gusto niya marami siyang hahawakan. Ibig bang sabihin ay may kinikita siya sa Philcycling kaya kapit-tuko siya?” tanong pa ng kritiko.

Maging ang Philippine Sports Commission (PSC) ay ayaw nang kilalanin ang pananatili ng Philcycling o ang grupo ni Tolentino subalit iginigiit nito ang pagkilala naman dito ng Union Cycliste Internationale (UCI). Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply