‘Kahit si Enrile pa ang masagasaan’- Enrile

HANGA tayo kay Manong Johnny Enrile sa pananaw nito kaugnay ng  pagpapatiwakal ni dating  Heneral/Secretary Angelo Reyes.

Pinaniniwalaan ng marami na hindi nakayanan ni Hen/Sec. Reyes ang pressure ng imbestigasyon ng Kamara at Senado ukol sa katiwalian sa militar na iniimbestigahan ng Kamara, Senado at Department of National Defense.

At nakasama pa yata ang tawag ni ex-Pres. now Cong. Gloria Arroyo sa kanya isang araw bago maganap ang kanyang pagbaril sa sarili sa harapan ng puntod ng kanyang mga magulang.

Para bang krinos-examin pa ni Arroyo si Reyes, ganun ba Commodore Rex Robles?

Sabi ni Senate President Enrile, hindi dapat maging sagabal sa imbestigasyon ng pagkamatay ni Reyes.

Dapat mangibabaw ang katotohanan para na rin sa bayan, diin niya.

Ang maso de gulpe sa kanyang sinabi ay ito: “Kahit  si Enrile pa ang masagasaan, dapat ituloy ang imbestigasyon.”

Tinutukoy ni Enrile, mga Bro, ang kanyang sarili.

O laban kayo sa prinsipyo ni Enrile?

The show must go on, Manong Johnny! Yan ang inaantay na mga salita ng mamamayan.

Hindi na lang yan usapin ng yagbols. Yan ang puso ng public service na hindi kayang kitilin ng kalibre .45.

Manong Johnny, mabuhay ka!!!

oOo

Bigyan naman po natin ng espasyo ang text messages ng ating readers.

Paging  LTFRB

LTFRB, gud am  po. Sana kahit maalis man lang ang mga namamasada na kolorum at may prangkisa na panla-lawigan lamang ay ginhawa na ang kita naming mga jipney driver.  Tulungan ninyo kami na lehitimong jipney driver dito sa Maynila.

Baril sa pagpatay kay Ortega kanino?

Kung naibenta na ni Atty. Seratubias ang kalibre .45 na ginamit sa pagpatay kay Dr. Ortega, kanino niya ito ibi-nenta?

Media at mamamayan

Tanong ko lang: iba ba ang buhay ng mediamen kaysa pangkaraniwang tao? Kasi bakit media lang ang bibigyan ng importansiya pag napatay? DAPAT KAPAREHO LANG SILA NG PANGKARANIWANG TAO.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph Benny Antiporda

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply