Kalansay nahukay sa lupain ng Ampatuans

ISANG kalansay ang nahukay sa malawak na manggahan ni dating Maguindanao Gov. Datu Andal Ampatuan sa Maguindanao.

Sinasabing nagsagawa ng paghuhukay ang mga tauhan ng intelligence division ng Directorate for Integrated Police Organizations (DIPO- Western Mindanao), National Bureau of Investigation (NBI), CIDG-ARMM, 6th ID Phil. Army at Maguindanao PNP sa lupaing pag-aari ng mga Ampatuan sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan.

Ang paghuhukay ay bahagi ng nakuhang search warrant ng awtoridad kaugnay sa pagpapatuloy na paghahanap ng mga ebidensiya laban sa mga Ampatuan.

Ayon kay Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangundadatu, anim na lugar pa ang nakatakdang hukayin nila ngunit hinihintay na lamang ang search warrant sa korte.

Ang naturang bangkay ay dadalhin sa Metro Manila para suriin ng mga experto ng NBI at pulisya. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply