Kamalditahan ni Marian idinepensa ni Celia Rodriguez

SA kabila ng pagiging mataray at kontrabida image, masaya rin palang kasaup ang veteran actress na si Ms. Celia Rodriguez.

Nakausap namin si Ms. Celia sa presscon ng GMA-7 romantic-comedy series na I ♥ You Pare, ginagampanan niya ang papel ni Marita Castillo, “the great mother of all badings.”

Kung ngayon ay si Dingdong Dantes ang katrabaho niya sa I ♥ You Pare, noon ay ang kasintahan ng aktor na si Marian Rivera ang laging ka-bonding ni Ms. Celia sa set ng defunct Kapuso telefantasya na Darna.

Miss na miss na raw ng beteranang aktres si Marian pero, ‘Palagi namang nagte-text sa akin yung batang yun,” sabi ni Ms. Celia.

Naging very close sa kanya si Marian?

“Very!”

Kapag nakakarinig nga raw siya ng mga negatibong balita, na sinasabing suplada at maldita si Marian, naaapektuhan si Ms. Celia.

“Actually, alam mo, mayroon nga akong tinawagan na… Actually, hindi ko na sasabihin kung sino.

“Sabi ko, ‘Tigilan mo na si Marian.’ Noong we were making Darna, umiiyak si Marian.

“Sabi ko, ‘Tigilan mo na. Kung ayaw mo sa kanya, alang-alang sa akin, igalang mo ako.’

“Sabi sa akin, ‘O sige, Tita, hindi ko na lang babanggitin.’

“Sabi ko, ‘Please lang, for my sake. Hindi mo naman kilala yung tao.’ “Sabi ko, ‘Hindi mo naman kilala yung bata.’

“Ako, kako, I’m with her three times a week, for seven months. Alam ko ang ins and outs ni Marian, alam ko yung tanrums niya. Hindi naman tayo perfect, e. Ang problema dito sa atin, if you are yourself, suplada, antipatika, yung ganun.

“E, gusto mo yung palagi na lang showbiz? Gusto mo palagi na lang kaipokritahan, nakangiti kahit may regla ka? Hindi naman puwede yung ganun.

“You have to take her as she is. Marian is a very nice person!

“Actually bakla siya, ano! Ay, you know her, kikay na kikay, patawa nang patawa. ‘Tita, patawanin mo ako kasi alas-kuwatro na!’

“Sasabihin ko sa kanya, ‘E, sino ba? E, ako matanda sa iyo, inaantok na ako! Sampal-sampalin ko face mo diyan, ano!’ Ganun kami, ganun kami!

“Kaya sabi ko kay Dingdong, ‘I love your girl so much!’

“Maski until now, she gets in touch with me—Christmas, ganun, New Year.”

May komunikasyon pa rin sila hanggang ngayon?

“Yes, we have, yes we have. ‘Tita, kumusta ang taping? Andiyan si Dingdong? Tita, nagustuhan mo regalo ko?’

“Ganun, ganun kami. We never lost in touch,” mahabang kuwento ni Ms. Celia tungkol kay Marian

Dagdag pa ni Ms. Celia, isa raw siya sa magiging masaya kapag nagkatuluyan sina Dingdong at Marian.

“Sabi ko, ‘Dingdong huwag iba, ha? Hindi na kita type!’

“‘Hindi, Tita!’

“Love ni Dingdong si Marian, at love ni Marian si Dingdong. Ang tagal na nila, e.

“Sabi ko kay Dong, ‘Hahanapin kita!’ Binibiro ko ‘yan palagi, ‘Hahanapin kita, behave, hmmm!’

“Nagbibiro din siya, ‘Mahirap, may bantay ako dito!’

“Sasabihin ko naman sa kanya, ‘Natural! Behave ka!’

“Wala namang dapat bantayan. Faithful naman siya. Sa taping, nasa kuwarto lang siya, nandun lang siya.”

Kumusta namang katrabaho si Dingdong, na gumaganap bilang pamangkin niya sa I ♥ You Pare?

“Very, very well,” sagot ni Ms. Celia.

First time namang makatrabaho ni Ms. Celia ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, na siyang female lead sa I ♥ You Pare.

“Oo, una! Palagi, palagi kaming magkasama [sa eksena],” banggit ng veteran actress.

Kumusta katrabaho ang Songbird?

“Ay, magaling, magaling si Regine! She’s very professional.

“Lahat naman, e, to the smallest bading, lahat professional. Kasi it’s a very happy set, walang tension, walang masungit, walang ganun. Puro kami bakla dito.

“Pagkatapos nito, nothing can be like this anymore!”

Parang naglalaro lang daw sila kapag may taping.

“Oo, parang naglalaro. Pero may kaunting drama din, ganun-ganun. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply