Kamara di makikialam sa pag-aresto kay Ecleo

MALABONG makapanganlong sa Kamara de Representantes si Dinagat Rep. Ruben Ecleo, ang tinatawag na “supreme master” ng Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA), sa Dinagat Islands matapos magpalabas ng warrant of arrest laban dito ang Sandiganbayan.

Ipinahayag ni Speaker Feliciano Belmonte na hindi hahadlangan ng Kamara ang gagawing pag-aresto kay Ecleo.

Sinuportahan naman ito ni House Majority Leader Neptali Gonzales sa pagsasabing hindi ligtas si Ecleo sa posibleng pag-aresto dahil ang sinumang miyembro ng Kamara de Representantes ay maaaring kasuhan at arestuhin kung ang hatol ng kinakaharap na kaso ay mula anim na taon  pababa.

“Upon receipt of his  certificate of finality of judgement, his name will be dropped from the roll,” paglilinaw pa ni Gonzales kaugnay sa pagtanggal sa listahan ng Kamara si Ecleo kagaya ng kay Zamboanga Rep. Romeo Jalosjos.

Ganito rin ang pahayag ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas, vice chairman ng House committee on justice, sa pagpapatupad ng batas.

“The House will not interfere in the administration of justice. It will not even be involved in turning him over as anyone who has been convicted with finality must voluntarily turn himself over to the court that granted him bail or he becomes a fugitive from justice,” ayon sa kongresista.

Sinabi naman ni Fariñas na dadaan muna sa proseso sa ethics committee ang expulsion laban kay Ecleo.

Ang arrest warrant ay ipinalabas ng Sandiganbayan matapos magpalabas ng desisyon ang Korte Suprema na tuluyang ibasura ang petisyon ni Ecleo na baligtarin ang naunang desisyon ng anti-graft court na nagkasala ang kongresista sa kasong tiwalian.

Si Ecleo, ay anak ni dating Surigao del Norte Rep. Glenda Ecleo.  Meliza Maluntag

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply