Kamara hindi apektado sa naging kapalaran ni Singson

HINDI apektado ang moral ng Kamara  sa pagkakulong ni  Ilocos  Sur Rep.  Ronald Singson sa Hong Kong dahil sa  kasong  drug  trafficiking.

Ito ang inihayag  ni House  Speaker  Feliciano “Sonny” Belmonte  subalit mas  maganda aniya kung bitawan na  na ng kongresman ang kanyang  posisyon.

Nilinaw  ng  speaker na  ang  moral na usapin  ng mga kongresista  ay  hindi apektado dahil dumaan naman  sa  proseso  ang  kaso  ni  Singson sa korte ng Hong Kong.

Sa katunayan  aniya  ay marami pang ibang  bansa  ang nag-aantabay sa mga pagkilos  at mga hakbangin ng  Mababang  Kapulungan ng Kongreso  hinggil sa pagpapanday ng  mga batas.

Kasabay nito, sinabi pa ng lider ng  Kamara  na  inaasikaso na  ng  House  Committee on Ethics   ang expulsion   case  laban  kay  Rep. Singson  matapos mapatawan ng  isang  taon at  anim na  buwan na pagkakulong.

Idinagdag pa ng  Speaker  na  kanilang  hilingin   sa  Commission on  Election  (COMELEC)  ang pagpapatupad ng  special  election  upang  mas  manaig  ang kagustuhan ng mamamayan na magluklok ng bagong lider sa  sandaling mabakante  na  ang posisyon ni  Singson.

Mahigpit namang  sinabi ni Belmonte na hindi na pwedeng  kumandidato si Singson  sa sandaling gagawin ang  special  election.

Inaasahan namang bitbit na  ni Ilocos  Sur Governor  Chavit  Singson, ama ni Ronald Singson  ang  resignation  letter ng kanyang  anak sa Lunes. Beth Aragon

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply