Kamatayan sumali sa game of the generals

HINDI kapani-paniwala na sumali sa Game of the Generals si kamatayan. Naging biktima ni kamatayan si Heneral Angelo Reyes sa pamamagitan ng isang bala lamang mula sa kalibre .45. Nagwakas ang makulay na buhay ni Hen. Reyes na umusbong sa mundo noong taong 1945.

Kung paano humantong ang game of the generals na puro nakaw na yaman ng bayan ang nakapusta sa kamatayan ni Hen. Reyes ay  ipaubaya na lamang sa kamay ng kasaysayan.

Bagama’t nahaharap sa mga akusasyong nagkaroon si Hen. Reyes ng kuwestiyonableng pasalubong na P10 milyon, pabaon na P50M at milyon-milyong piso na discretionary fund buwan-buwan, maituturing pa si heneral na inosente. Maaaring mapatunayan o hindi ang mga akusasyon sa pamamagitan ng mga kasong kakaharapin ng kanyang mga asawa at anak.

Pansamantala, magdedeklara ang ULTIMATUM ng CEASEFIRE sa usaping ito sa mga araw na magluluksa ang kanyang pamilya.

Saka na lang tayo magmasid sa mga kaso sa oras na umaksyon na ang Senado at iba pang ahensiya ng pamahalaan ukol sa mga ito.

Sa gobyerno kasi, hindi hadlang ang kamatayan ng isang tao sa paghahangad nito ng katarungan at pagsasauli ng nakaw na yaman.

Kotong cops balik-puwesto

Good pm po. Yung patrol car SHV 135 ay ilang gabi na naman pong bumalik sa dating pwesto nito sa Letre, Malabon. Kanina pong 4am, namamara na naman sila ng mga biyahero para kotongan. Ang kakapal talaga ng mukha ng mga ‘yun, baka po pwedeng mapatigil at  maakysunan ninyo ito.          0920282

Mining company di nagbabayad

Magandang araw po, Ultimatum. Pakibatikos lang po ang mining sa province ng PALAWAN lalo na sa Brgy. San Isidro. Ang pangalan ng mining ay Citinekel Mines. Kasi po, hindi nila binabayaran ang mga lupa na may pananim na inaabot ng dumi. Nakamamatay ng pananim ang minahan. Salamat po. Huwag po ninyong i-publish ang number ko.

Piyesta inunahan ng iligal na sugal

Good evening, sir. Dito  po sa amin sa Majayjay, Laguna, malayo pa ang fiesta pero meron na agad pula-puti o tao-ibon na gamit ay bola ng pingpong. Ang fiesta po ay sa March 12, 2011 pa. Concerned citizen of Majayjay

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply