Kampanya laban sa botcha paigtingin—Villar

KULANG sa information drive ang pamahalaan kung paano maipababatid sa consumers ang pagkakakilanlan ng double dead na karne  na ibinebenta sa mga palengke.  Hindi na rin kailangan pang itaas ang parusa sa pagbebenta ng “botcha” kundi paigtingin na lamang ang information campaign laban sa pagbili ng botcha.

Ito ang iginiit ni Sen. Manuel Villar, sa pagdinig ng Senate committee on trade and commerce, kaugnay sa isyu ng talamak na pagkalat ng botcha sa mga pamilihan sa bansa.

Dahil dito, umapela si Villar sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magpakalat ng ‘warning sign’ o mga babala sa mga pamilihan para malaman ng mamimili ang pagkakaiba  ng sariwang karne ng baboy kumpara sa botcha at epekto nito sa kalusugan ng tao.

Mahalaga din na magbigay ng babala sa publiko ang pamahalaan sa masamang epekto sa kalusugan ng pagkain ng botcha lalo na sa mga bata.

Ayon sa health experts, nakapagdudulot ng pananakit ng tiyan, hindi matunawan at food poisoning ang ilan sa epektong dulot ng pagkain ng double dead na karne.

Iginiit pa ni Villar na kung ang sigarilyo ay may warning sign na nagdudulot ng kanser  ang paninigarilyo,  dapat aniya na magkaroon din ng warning sign sa mga pamilihan laban sa botcha.

“Kung may billboard sa labas ng palengke, mapapahiya sila, madi-discourage silang magbenta ng botcha,”wika ni Villar.

Pero tinukoy pa ng chairman ng Senate committee on trade and commerce na kung ang mga nabanggit lang ang  epekto ng pagkain ng karneng botcha, marami pa rin ang bibili ng botcha dahil abot-kaya ito bulsa ng mga mahihirap.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig, tiniyak ni Bacayo susuportahan nito na itaas ang parusa sa pagbebenta ng botcha, mula sa multa na  P1,000 hangggang P10,000,  dapat itong gawing P 25,000 hanggang P 500,000 samantalang ang kulong ay dapat itaas sa 6 na buwan hanggang 6 na taon mula sa kasakuluyang 2 buwan hanggang 1 taon.

Kasabay nito,  sinabi din ni Bacayo na madagdagan ng 311 nilang personnel para bantayan ang mahigit 1,500 slaughterhouse sa buong kapulunan.  Linda Bohol/ Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply