Kapal ng mukha ni ‘Otso-otso’ ng ‘ka-klase inc’

HINDI na rin pala makaporma ang ilang paksyon na nakasawsaw sa liderato ni Pangulong Aquino.

‘Yan ay dahil daw sa grupo nitong si “Otso-Otso” ng “Ka-Klase Inc.” – ang
pamosong paksyon ngayon diyan sa loob ng Palasyo ng Malakanyang (hindi ba Palasyo ng mga Maglalasing?)

Kontrolado na daw kasi ng grupo ni “Otso-Otso” ang halos buong paligid ng
Palasyo. Hindi ka daw basta makakapasok sa tanggapan ni El Presidente kapag
hindi ka dumaan o nagmano muna sa grupo ni Otso-Otso!

Isa pa, kung ikaw ay aplikante sa isang bakanteng posisyon sa gobyernong ito. Huwag ka nang umasa kapag hindi ka direktang konektado sa grupo ni Otso-Otso.

Tiyak sa kangkungan pupulutin ang papel mo dahil tatabunan nila ito ng papel ng mga bataan nila.

May isang pangyayari daw na mismong kaibigan at kumpare pa ni Pangulong Aquino na kasa-kasama niya sa pulitika magmula pa noon (nauna pa kay Otso-Otso) ang nawalan ng puwesto sa kabila ng pangako sa kanya ng Pangulo.

Imbes na mailagay ang kawawang mama sa puwestong ipinangako sa kanya ni PNoy ay nawalan pa ito sa bandang huli.

Nasingitan siya ni Otso-Otso kaya’t nasulot ng iba ang kanyang puwesto.

Nagulat na lamang daw si PNoy nang pagdating ng oath-taking para sa naturang puwesto sa gobyerno ay iba ang pangalan ng taong nakalagay sa appointment papers na binabasa niya.

Dito na rin inamin ni PNoy sa naturang kaibigan na nakalimutan niyang ibilin sa kanyang mga tao ang naipangakong posisyon sa kaibigan dahil sa dami rin ng kanyang iniintindi bilang pangulo ng ating bansa.

Kaya naman daw ganon na lamang ang paghingi ni P-Noy ng dispensa sa kaibigan at pinangakuan na lamang uli ito ng panibagong posisyon.

Kung susumahin, mas marami raw ang naipapuwesto ng grupo nitong si Otso-Otso kumpara sa ibang paksyon sa Malakanyang.

Kaya nga raw ganon na lang kung kumita itong si Otso-Otso. Nakakalula raw ang halagang kinikita nito kada buwan!

* * * * * * * *
Katulad na lamang halimbawa ng isang opisyal ng Bureau of Customs na kada linggo ay personal na nagdi-deliver ng P5 milyon kay Otso-Otso!

Sa madaling salita, P20 milyones kada buwan ang napupunta sa bulsa nitong si Otso-Otso. Kapal talaga ng mukha ng animal na ito!

Alam n’yo ba kung bakit siya (Otso-Otso) inaalagaan ng mga taga-BoC?

‘Yon ay para huwag sila matanggal sa puwesto sa Bureau of Customs dahil pag
nagkataon ay tiyak na sasalpakan sila ng mga tao nitong si Otso-Otso!

Katulad din halimbawa ng isang mataas na opisyal ng DILG na kilalang madikit kay El Presidente. Inaalagaan din siya ng mga taga-BoC at may milyones na tinatanggap din kada buwan mula sa katas ng smuggling ating mga pantalan sa buong bansa.

Buwakanang-ina n’yo!

* * * * * * * *

Sa ngayon, nagpapatayo na itong si Otso-Otso ng magarang mansyon sa isang sikat na subdivision diyan sa Quezon City. Ipinangalan niya ang kontruksyon ng mansion sa kanyang kapatid na babae.

Walastik talaga itong si Otso-Otso! Ilang buwan pa lamang siya namamalagi sa
poder ni PNoy ay nagawa nang makapagpatayo ng mansyon! Tsk, tsk, tsk!

Tiyak na hihirangin siya bilang isa sa mga bilyonaryo ng ating bansa sa mga
susunod na taon. Pwe!

* * * * * * * *
Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0927-9117770 o e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran. –Boyet Munar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply