‘Kapamilya pa rin ako’— Sarah Geronimo

MANANATILING Kapamilya star ang Pop Star Princess Sarah Geronimo matapos umugong ang mga bulung-bulungan na lilipat na siya sa ibang channel.

Sa katunayan ay kapipirma pa lang ni Sarah ng bagong kontrata sa ABS-CBN2 bago magtapos ang 2010.

“Eto, kakapirma ko lang po bago magtapos ang taon,” aniya. “Grabe naman po talaga iyong binibigay nilang break po, na suporta, lalo na nu’ng una kong pasok ng taon,” sabi ng Pop Princess.

Dahil isang Viva talent si Sarah, muli na namang magsasanib pwersa ang Viva Entertainment at Star Cinema sa nalalapit na movie ni Sarah with Gerald Anderson.

Ang working title ng movie nila ni Gerald ay “Just the Way You Are”.

Labis namang ikinatuwa ng singer/actress ang pagsuporta ng “Kimerald” sa nasabing pelikula.

Isa pang ikinatutuwa ni Sarah ay ang inihahaing pelikula na pagsasamahan naman nila nina Megastar Sharon Cuneta at Judy Anne Santos.

Samantala, pagkatapos ng Valentine concert ni Sarah with Concert King Martin Nievera ay magiging busy pa rin ang dalaga dahil may mga pinaplanong concert series para sa kanya. Bineza Zapnata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply