Kapamilya star Sam Concepcion guest sa concert ni Taylor Swift

PASOK ang pangunahing host ng “Shouout” ng ABS-CBN 2 na si Sam Concepcion sa concert ng multi-awarded international singer na si Taylor Swift¬† sa Araneta Coliseum sa February 19.

Ayon sa batang TV host-singer, ang pagkakasama niya sa concert ni Swift ay isang napakalaking blessing.

Labis ang katuwaan ng teen heartthrob sa pagkakasama sa naturang concert.

Sinabi niya na noong una ay balak lamang niyang manood ng concert ng sikat na singer.

Ibinunyag ni Renen de Guia, ang concert producer na mismong si Swift ang gustong makasama ang Pinoy singer na si Sam sa kanyang Asian tour nito.

Samantala, naghahanda na si Sam sa isang song-and-dance number para sa nasabing concert. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply