Kapangyarihan inilipat ni Mubarak kay VP Suleiman

NAPALITAN ng galit ang masayang mood ng mga raliyista sa Tahrir Square sa Cairo, Egypt matapos ang televised speech ni Egyptian President Hosni Mubarak, kung saan inilipat ng una ang kanyang kapangyarihan sa kanyang bise presidente na si Omar Suleiman.

Kasabay nito ay iniutos ni Mubarak ang agad na pag-amyenda sa Konstitusyon.

Matapos marinig ang speech ay nagsigawan naman ng “Get out! Get out!” ang libong raliyista.

Ani Mubarak, kahit inilipat na niya ang kanyang kapangyarihan, mananatili siya sa Egypt at ipagpapatuloy ang pagganap sa kanyang responsibilidad hanggang sa halalan sa Setyembre.

Una nang sinabi ni Mubarak na hindi na siya kakandidato subalit hindi pa rin humuhupa ang tensyon sa Egypt.

Matapos ang speech ni Mubarak, kaagad namang nanawagan si Suleiman sa mga nagpoprotesta na umuwi na at tanggapin na lang ang desisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply