Karagdagang buwis no way kay Recto

NANINDIGAN si Senador Ralph Recto na walang dahilan para  magpataw ng bagong buwis sa taumbayan.

Ito ang pahayag ng Senador, Martes, Pebrero 15.

Ayon kay Recto, maganda na ang kasalukuyang economic fundamentals ng bansa dahil malakas ang piso kontra dolyar at may mababang budget deficit.

Aniya, ang dapat gawin ng gobyerno ay palakasin ang tax collections at magkaroon ng maayos na paggastos ng pondo ang pamahalaan.

Kaugnay nito, nagpaliwanag si Senador Recto sa pagkontra nitong mangutang ang National Food Authority (NFA) sa gagawing pagbili ng mga bigas.

Sinabi nito  na masyado nang malaki ang kasalukuyang P170 bilyon na utang ng NFA kaya hindi na ito dapat dagdagan.

Ayon kay Recto, pwede namang kunin ng NFA ang P2. 5 bilyon na ibinigay na pondo sa Department of Social Worker and Development (DSWD). Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply