Karangalan, iniligtas ni Reyes – Senador Enrile

NANINIWALA si Senate President Juan Ponce Enrile na tinupad ni dating DND chief Angelo Reyes ang tenets ng Philippine Military Academy (PMA) na “integrity, courage and loyalty” kaya mas pinili na lang nitong kitlin ang sariling buhay upang iligtas ang kanyang karangalan.

Sa panayam, sinabi ni Enrile na mas ginusto pa ni Reyes na magpakamatay kaysa mawala ang kanyang karangalan at mapahiya sa publko hinggil sa isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee sa katiwalian sa AFP.

Ngunit, sinabi ni Enrile na kailangang ipagpatuloy ng Senado ang imbestigasyon kahit masasabing nagpakamatay si Reyes dulot ng kahihiyan na sumabit sa sinasabing payola at pabaon system sa AFP dahil tungkulin ng Mataas na Kapulungan ang ginagawa ng Blue Ribbon Committee.

Nagpahayag din ng panghihinayang si Enrile kay Reyes dahil maaari naman aniya nitong ipaliwanag sa Blue Ribbon kung mayroon siyang ginawa o kung wala siyang natanggap. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply