Kasama sa wedding entourage nina John, Priscilla inihayag na

INIHAYAG na ni John Estrada ang mga kasali sa wedding entourage nila ni Priscilla Mereilles.

Kabilang dito ang ilang Kapamilya star gaya nila Lorna Tolentino, Ai-Ai de las Alas, Sharon Cuneta, Kris Aquino, Gabby Concepcion, Randy Santiago at ang head ng Star Magic na si Johnny Manahan.

Ang nakatampuhang si Willie Revillame at si Richard Gomez ang kanyang best men. Ang junior best man naman ay ang kanyang anak na lalaki at ang kanyang tatlong babaing anak sa dating asawang si Janice de Belen ang mga bride’s maid.

Idaraos ang pag-iisang dibdib sa Thunderbird Poro Point sa La Union sa darating na Pebrero 26.

Ayon pa kay John, busy na sila sa pag-aasikaso ng kanilang kasal. Sinabi rin niya na nakaka-stress rin ang mga ginagawang preparasyon.

Samantala, hindi na muna matutuloy ang pagpapakasal nila ni Priscilla sa Brazil, ang pinagmulan ni Priscilla dahil na rin sa kanyang bagong proyekto sa “Dos,” ang “Happy Yippee, Yehey” na magsisimula na sa Sabado, Pebrero 12.

Ani John, ipinagpaliban muna nila ang kanilang honeymoon. Nagbiro siya na matagal na silang nag-honeymoon ng beauty queen.

Ang mahalaga umano ay makasal sila. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply