Kasambahay kinasuhan sa ‘gift bomb’ sa Taguig

PORMAL nang sinampahan ng kasong murder at frustrated murder Miyerkules ika-2 ng Pebrero ng hapon ng Southern Police District Office (SPDO) ang dating kasambahay ng kapatid ng namatay na si Yvonne Chua, nasabugan ng bomba habang binubuksan ang regalong ibinigay sa kanya sa Taguig, dalawang buwan na ang nakalilipas.

Si Rhea Dalde, 23, tubong Famy, Laguna ang positibong itinuro ni Vinson Chua, asawa ng  biktima, pangunahing suspek sa krimen.

Hindi muna ibinunyag ang pangalan ng iba pang kasamahan nito na umano’y may kinalaman sa madugong insidente.

Si Dalde ay dating kasambahay ni Arnold Padilla, kapatid ni Yvonne.

Base sa salaysay ni Vinson, ang pagkakadala ng package sa kanilang tirahan ay malinaw na ang intensiyon ay patayin silang mag-asawa at anak na si Chloe kaya marapat lang na sampahan sila ng kasong murder at frustrated murder.

Nalaman sa ulat ng pulisya na noong Disyembre 28, 2010 isang babae ang nagdala ng regalo sa bahay ni Chua sa Parañaque City saka mabilis na umalis.

Kinabukasan ay dinala naman ng family driver ng pamilya Chua ang regalo sa kanilang tahanan sa Taguig kung saan nakatira ang biktima.

Habang binubuksan ng biktima ang package ay bigla iyong sumabog, ikinamatay ng ginang. Johnny Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply