Kasambahay nakitang patay habang nakaupo sa inidoro

INAALAM na ng mga pulis ang ikinamatay ng isang kasamabahay habang nakaupo sa inidoro sa Caloocan City Linggo ng madaling-araw, Pebrero 6.

Wala nang buhay nang makita si Myrna Castro, 54, stay-in maid sa Pla-Pla st., Dagat-dagatan, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 3:30 ng madaling araw, gagamit ng banyo ang anak ng amo ng biktima na si Gene nang mapansing nakakandado iyon.

Kinatok umano ni Gene ang pinto subalit walang sumasagot dahilan upang puwersahan na niya iyong buksan hanggang sa makita ang biktima na wala nang buhay habang nakaupo sa toilet bowl.

Wala naman nakita ang mga pulis na sugat sa katawan ang biktima palatandaan kung may foul play sa insidente. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply