Kaso ng overloading kumokonti — DPWH

TUMATAAS na ang kamalayan ng mga gumagamit ng truck sa pagnenegosyo sa pagsunod sa batas ukol sa overloading, ayon kay Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson.

Sa pagdaraos ng ikatlong Anti-Truck Overloading Stakeholders Dialogue Martes, Pebrero 15, iniulat ni Singson na apat na porsiyento na lamang ang naitalang lumabag sa Republic Act 8794 o Anti-Overloading Law nang mag-monitor ang kagawaran noong Pebrero 10-13, 2011.

Ito ay malaking pagbaba sa numero kumpara sa resulta ng operasyon ng DOTC noong Pebrero 1, nang magtala ito ng 17.6 porsiyento ng paglabag.

Ayon kay Singson, may ulat na may mga trak na lumilihis ng daraanan upang hindi mainspeksyon ng mga nagmo-monitor ng mga nag-o-overloading.

Idinagdag nitong may ilan ding nagpapa-escort pa sa mga nakamotor na armadong kalalakihan upang hindi na pahintuin ng mga nag-iinspeksyon.

Hiniling ni Singson sa nasabing dayalogo sa truckers na maghayag ng mga suhestyon o panukala upang lalong maging epektibo ang programa upang maiwasan ang overloading. Ben Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply