Kaso ni Chavit vs Miriam, dinismis ng Ombudsman

IBINASURA ng office of the Ombudsman ang kasong isinampa ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson laban kay Sen. Miriam Defensor Santiago hinggil sa pagkakasangkot ng una sa operasyon ng jueteng.

Sa pahayag na ipinalabas ng tanggapan ni Santiago, idinismis ng Ombudsman ang kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na inihain laban sa mambabatas dahil pinanindigan ng naturang tanggapan na wala itong kapangyarihan na dinggin sa kaso.

Pangalawa na ito sa mga kasong isinampa laban kay Santiago hinggil sa pagdadawit ng pangalan ng ilang opisyal ng gobyerno sa katiwalian sa gobyerno na ibinulgar ng mambabatas sa kanyang mga privilege speech.

“The first time was in the case of Alimuddin v. Defensor Santiago, which followed on the heels of her privilege speech against the brothers Ronaldo and Rodolfo Puno in connection with the alleged corruption in the DILG and the use of the road user’s tax,” giit ni Santiago.

Sinabi ni Santiago na pinanindigan ng Ombudsman ang parliamentary immunity ng isang senador na siyang itinakda sa Saligang Batas.

“Section 15, Article VI of our Constitution provides that “for any speech or debate” in Congress, the Senators or Members of the House of Representative “shall not be questioned in any other place,” ayon sa desisyon.

“Our Constitution enshrines parliamentary immunity which is a fundamental privilege cherished in every legislative assembly of the democratic world,” patapos ng desisyon.

Inaprubahan ni  Ombudsman Merceditas Gutierrez nitong Disyembre 29, 2010 ang dismissal order matapos irekomenda ni graft investigating officer Altesa Anioso.- Ernie P. Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply