Kaso ni Garcia posibleng bumigat pa

NAKALILITO umano at walang logic ang plea bargaining agreement ni dating AFP comptroller Carlos Garcia.

Sinabi ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III na nakalilito ang sinasabi ng Ombudsman na hindi pa pinal ang kasunduan na pinasok sa kampo ni Garcia.

Aniya, kung totoong hindi pa tapos ang kaso, nakapagtatakang naghain ng guilty plea si Garcia sa mas mababang asunto, mula naman sa naunang kaso nitong plunder.

Sinabi naman ni Baraan na kung sakaling ibalik ang kasong plunder kay Garcia, maaaring gamitin ang mga dating ebidensya at idagdag ang mga bagong rebelasyon nina dating CoA auditor Heide Mendoza at dating AFP budget officer Col. George Rabusa, na naghayag tungkol sa mga anomalyang nagaganap sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dapat din na kasuhan si dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes at mga kasamahan nitong idinadawit sa naturang rebelasyong ng katiwalian.

Dagdag naman nito, maaaring may nangyayaring sabwatan sa usaping ito dahil sa ginagawang pagkalkal sa katiwalian.

Dahil sa nabanggit na, posible rin umanong mas bumigat pa ang kaso ni Garcia. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply