Kaso ni Ping sa Ethics, itutuloy ng Senado

TINIYAK ni Sen. Alan Peter Cayetano na itutuloy ng Senate Ethics committee ang kasong isinampa laban kay Sen. Panfilo Lacson sa kabila nang pagbasura ng Court of Appeals (CA) sa kasong Dacer-Corbito double murder at pagbawi sa warrant of arrest.

Sinabi ni Cayetano na itutuloy ng Ethics committee ang pagdinig sa kasong isinampa laban kay Lacson kapag lumutang ang senador sa Senado.

Kinasuhan si Lacson ng reklamong etika ng  Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) matapos na masangkot sa Dacer-Corbito double murder case.

Bagamat tiniyak ni Cayetano kay Lacson ang pagiging patas na pagtrato sa kanyang kinakaharap na reklamo at hindi rin umano makakaapekto ang naging kapasyahan ng CA kung saan inabswelto ang senador sa criminal case nito.

Ipinagtanggol naman ni Sen. Chiz Escudero si Lacson laban sa mga akusasyon na kaya lamang nabasura ang double murder case ng senador  dahil sa kaalyado ito ng administrasyon at isang maimpluwensiyang miyembro ng Senado.

Ayon kay Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, dapat igalang ang naging desisyon ng CA sa pagbasura ng kaso ni Lacson.

Sa oras na lumitaw si Lacson, maaari nang pabuksan ang opisina nito sa Senado na noong Oktubre ay ikinandado ni Senate President Juan Ponce Enrile dahil sa pagiging pugante ng Senador.- Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply