Kasong graft vs Valencia pinawalang sala ng Sandiganbayan

PINAWALANG sala ng Sandiganbayan Third Division nitong Martes,Pebrero 15, si Oriental Mindoro Rep. Rodolfo Valencia sa kasong graft na inihain may 11 taon na ang nakararaan.

Sa 48 pahinang desisyon ni Associate Justice at division chairman Francisco Villaruz Jr., sinasabing nabigo ang prosekusyon na mailatag ang elemento ng “manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence” na kailangan upang mahatulan ang akusado.

Sinang-ayunan naman ito nina Associate Justices Samuel R. Martires at Alex L. Quiroz.

Nag-ugat ang reklamo nang hirangin ni Valencia ang isang government official na isang paglabag sa one-year election ban.

Base sa reklamo na inihain noong February 10, 1999 ni Graft Investigation Officer I Fatima A. Alconcel-Relente, binigyan umano ni Valencia ng “unwarranted benefits” ang isang Cresente Umbao na kaniyang hinirang sa Sangguniang Bayan ng  Pola, Oriental Mindoro noong December 1992.

Naganap ang paghirang  habang si Valencia ay isa pang provincial governor ng Oriental Mindoro. Siya ang naghirang kay Umbao bilang kapalit ng isang miembro ng Pola municipal board na namatay.- Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply